
Ganap na sa
ating mga Pilipino lalong-lalo na sa mga kabataang mag-aaral ang pagdaraos ng
isang pagdiriwang pagsapit ng Agosto, na tinaguriang "Buwan ng Wika"
sa kadahilan ang ginugunita sa buwang ito ang dating Pangulong Manuel L. Quezon
na kinikilalang "Ama ng Wikang Pambansa."
Taon-taon
isinasagawa ang nasabing pagdiriwang sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga
palatuntunan sa mga paaralan at pati na rin sa iba ng mga pook pampubliko. Isinasagawa
natin ang kagaya ng mga ito. Ngunit alam ba natin ang tunayna katuturan at
kahalagahan ng wika?
"Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit
sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin
ay nagpala." Ito ang tanyag na katagang nagmula sa ating pambansang bayani
na si Gat. Jose Rizal na nagbibigay kahalagahan sa
wika sa buhay ng isang tao.
Ang wika ng isang bansa ay masasabing siyang
kaluluwa na nagbibigay buhay dito. Ito ang nagsisilbing tulay na nagdurugtong
sa mga kumunidad na naninirahan sa isang bansa. Sa pamamagitan ng wika,
nagkakaunawaan at nagkakaisa ang bawat tao. Higit sa lahat, nagsisilbi ito
bilang ating pagkakakilanlan. Dahil dito ay nakikita ang iba’t ibang
impluwensya sa bansa na siyang nakapagpabago at humulma sa pagkatao ng mga
mamamayan. Samakatuwid, ang wika ay batayan ng natatanging kultura ng isang
bansa.
No comments:
Post a Comment